Isang reticulated python ang natagpuan sa loob ng isang tindahan ng mga ukay-ukay sa Dumaguete City matapos itong humalo sa mga ibinebentang stuffed toy. Ayon sa ulat, isang mamimili ang nakapansin sa kakaibang bagay sa loob ng lalagyan ng mga laruan, na kalaunan ay natukoy na isang buhay na ahas. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang hulihin ang nasabing hayop na may habang apat hanggang limang talampakan at tumitimbang ng humigit-kumulang tatlong kilo. Matapos ang matagumpay na operasyon, dinala na ang ahas sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa kaukulang pangangalaga.
Source : GMA News
Photo : GMA News
_2026_08_08_22_08_44.jpg)

