Isang 35-anyos na babae ang pumanaw matapos mabangga at magulungan ng isang pampasaherong jeep sa Cainta, Rizal noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat, tumigil ang motorsiklo sa isang pedestrian lane sa Ortigas Avenue Extension nang biglang sumalpok ang jeep sa likuran nito. Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at naipit sa ilalim ng sasakyan. Kinailangan pa ng tulong ng mga awtoridad at mga residente upang iangat ang jeep at mailabas ang biktima, na idineklara ring dead on arrival sa ospital. Ang 73-anyos na driver ng jeep, na nagdahilang nawalan ng preno, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. Nahaharap siya sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, at damage to property. Ang rider ng motorsiklo, na kapatid ng biktima, ay nagtamo rin ng pinsala sa kamay habang pauwi sana sila sa Pasay mula sa Quezon Province.
Source : GMA News
Photo : GMA News



